Para sa akin ang tunay na masayang pamilya ay samahan na ang nagtataguyod ay ang ina at ama na tinatawag na magulang. Ang ina ay tinatawag na “ilaw ng tahanan” na ang ginagawa ng ina ay inaalagaan ang mga anak at ang kanyang asawa. Ang ama naman o tinatawag na “haligi ng tahanan” ay siyang nagtataguyod ng kanyang pamilya at siya ang responsable sa paghahanapbuhay para sa kanyang pamilya, ang ama ang nagbibigay ng benepisyo sa kanyang mga anak at asawa. Ang malaking pamilya ay masaya na may halong hirap at maraming pagsubok na dapat nating harapin.Madaling harapin ang mga pagsubok na ito kapag ang buong pamilya ay sama-sama at tulong-tulong para sa ikauunlad ng bawat isa.